Isang kwento na makapagbabago ng buhay

Isang maagang Linggo ng umaga, pagkatapos ng pagsikat ng araw, isang grupo ng mga nagdadalamhating kababaihan ang patumbang-tumbang lumakad sa isang landas patungo sa isang libingan. Ang kanilang kalungkutan ay mas matindi kaysa sa normal dahil sa ito ay dulot ng halo-halong pagkabigo at pagkalito. Hindi ba pinatunayan ni Jesus na siya ay Diyos? Kung gayon, paano siya mamatay? Paano matapos ang kanyang misyon sa pagkabigo ng kamatayan? Nakakahiya ang ganitong kamatayan. Iniwan siya ng lahat ng tao, kahit na ang kanyang mga kaibigan. Paano mamatay ang walang kamatayan? Paano ang liwanag ng mundo, bumaba sa kadiliman ang ilaw ng sanlibutan?

Ang mga ito ay ang ilan sa kanilang mga katanungan.

Kung si Jesus ay namatay lang para sa atin, gaano man ang pagsasakripisyo ng sarili at hindi karapat-dapat na ang kamatayan, wala siyang nakamit. 

Gayunpaman, nang dumating ang mga babae sa libingan ni Jesus, nakita nilang naigulong na ang batong nakatakip sa pintuan nito at wala ang kanyang bangkay. Habang nagtataka sila tungkol dito, biglang lumitaw ang dalawang lalaki sa nakakasilaw ang damit at sinabing, “Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa gitna ng mga patay? Wala siya dito, siya ay muling nabuhay! Tandaan ninyo na sinabi niya sa inyo na ang Anak ng Tao ay kailangang ipagkanulo sa mga makasalanan at ipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.” (Lucas 24)

Itong kuwento nga ay higit na mabuti kaysa ibang mga kuwento. Dahil bumangon mula sa mga patay si Jesus ay may mailalahad tayong kuwento. Hindi lamang isang kuwento kundi ANG KUWENTO. Ang lahat ng kasaysayan ay nagtuturo o nagbabalik-tanaw sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus.

Ang kasaysayan ay KASAYSAYAN NIYA. Ang kuwentong ito ang nagbibigay-kabuluhan sa lahat ng sakit, pamimighati, kagalakan, pag-ibig – ito lamang ang kuwento na nagdudulot ng walang hanggang pag-asa.

Umaasa ako na katulad ko ay ilalahad mo ito sa mga iba.

Kaya maligayang pagdating sa site na ito. Ito ay dinisenyo para sa iyo. Maaari’y kabilang ka sa isa sa tatlong uri ng mga tao:

  1. Hindi pa isang tagasunod ni Hesus ngunit gustong malaman pa ang tungkol sa kanyang kuwento. Ang mabuti ay pakinggan mo muna ang serye ng mga kuwento tungkol sa buod ng Bibliya. Pakinggan ang bawat kuwento at saka ilagay ang iyong mga katanungan sa puwang sa ilalim ng video o icontact kami ng direkta tungkol sa mga katanungan mo. Ang anumang mga katanungan ay buong pusong tatanggapin. Malaya kang i-download ang mga kuwento at saka ipasa sa mga kaibigan mo o ituro sa kanila ang site upang pakinggan din nila ang mga ito.
  2. Gustong matuto ng mga kuwento. Ang mabuti ay pakinggan mo muna ang serye ng mga kuwento tungkol sa buod ng Bibliya at saka panoorin ang video na nagtuturo kung paano maghanda ng kuwento. Malaya ka ring sumali sa aming grupo sa Facebook na ang pangalan ay ‘Storying the Scriptures / Pagkukuwento ng Banal na Kasulatan.” Ito ay isang closed group kaya’t humingi ng permiso na sumali sa gruponng ito. Habang natututo ka at nagkakaroon ng karanasan sa pagkukuwento ng Banal na Kasulatan, pakipadala sa amin ng maiikling kuwento tungkol sa iyong mga karanasan. Sa gayon, papalakasin din ang loob ng mga iba sa pamamagitan ng site na ito.
  3. Tagapagsalaysay na may karanasan na. Ang mabuti ay panoorin ang alinman sa mga video o gamitin ang mga link upang bisitahin ang iba pang mga site tungkol sa pagkukuwento ng Banal na Kasulatan. Pinahahalagahan namin ang iyong mga mungkahi sa aming Facebook group. Sana ay magkakaroon ka ng mga ideya o mga tanong na hahantong sa isang talakayan online. Nais naming malaman kung ano ang mga pakikibaka o mga hamon na iyong kinakaharap sa pagbabahagi tungkol kay Jesus sa iyong konteksto.

Sa site na ito ay sisikapin nating tipunin:

  1. Ang mga resources – pakipadala sa amin sa pamamagitan ng contact page o ng pagsali sa mga talakayan ng grupo sa Facebook. Gusto naming malaman ang tungkol sa iba pang mga resources na maaari naming banggitin o i-link sa site na ito.
  2. Mga Video (o audio) – pakisabi sa amin tungkol sa mga nagawa mong video ng iyong pagkukuwento ng Banal na Kasulatan o pagkukuwento ng ibang tao. Maaaring sa anumang wika ang mga video. Kung gusto mo, lagyan ng mga subtitle. Gusto rin nating maglagay ng mga video sa site na nagtuturo tungkol sa pagkukuwento ng Banal na Kasulatan.
  3. Mga Kwento Mula sa Iba’t Ibang Bahagi ng Mundo – pakisabi sa amin tungkol sa iyong mga karanasan sa pagkukuwento ng Banal na Kasulatan kahit saan sa mundo. Maaaring sa anumang wika ang salaysay tungkol sa iyong karanasan, ngunit sana’y naisalin na rin iyan sa Ingles.

You may also like...

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *