Ang nakakagulat na tugon
Kakalipat ko lang sa isang bagong bayan.
Isang araw na nakalimutan kong magdala ng payong, bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong ako sa ilalim ng isang tindahan at naghintay upang magpatila ng ulan.
Tindahan ito ng bisikleta at tinanong ako ng binatang namamahala kung bakit ako nakatira sa bayan nila (bihira ang mga tagakanluran o puti sa kanilang lugar). Ipinaliwanag ko na andoon ako upang magbahagi ng mga kuwento.
“Gaano mo katagal planong manirahan dito?”
“Plano kong tumira dito hanggang magretiro ako pero kung gusto ng Diyos na pumunta ako sa ibang lugar bago iyon mangyari, susunod ako.”
“Ano? Ibig mong sabihin basta ka lang susunod kahit kailan at saan ka Niya papuntahin?”
“Naalala ko tuloy ang isang kuwento sa Bible.”
Pumayag siyang makinig ng maikling kuwento habang maulan pa rin at walang kostumer ang dumarating. Ibinahagi ko sa kanya ang ilang kuwento ni Abraham.
Sa huli napabulalas siya, “Isa ka sa mga inapo ni Abraham dahil dinala mo ang pagpapala sa kanya dito sa aming bayan!”
Dahil sa aking narinig, naniwala ako na sinabi sa akin ng Diyos na magiging mananampalataya ni Jesus ang binatang ito. Simula noon ay lingguhan na akong pumupunta sa kanya upang magbahagi ng mga kuwento habang nag-aayos siya ng mga biskleta. Makalipas ang isang taon na pakikinig ng mga kuwento at pagbabasa ng Bible, siya ay naging mananampalataya.
Pagkalipas ng limang taon ay patuloy pa siyang lumalago at natututo kung paano magbahagi ng mga kuwento sa iba.