Ang Bibliya sa walo (o 9) na mga kwento
Noong mga nakaraan, gumamit kami ng labinlimang kwento sa isang set. Nagdesisyon kami na gawin lang itong walo.
Dahil:
- Mas madali itong sanayin para sa mga baguhang tagapagkwento. Naniniwala ang mga tao na mas madaling makakabisa ang walo kaysa labinlima. Kaya ang pagkukuwento ay mas naging madaling ulit-ulitin.
- Kayang ibahagi ang walong istorya sa isang upuan kung kinakailangan (ginagawa ko ito madalas sa mga eroplano o bus).
- Isang kwento sa isang linggo, ang buong set ay matatapos sa loob lamang ng dalawang buwan.
Kaya tinanong naming ang aming mga sarili, kung pipili kami ng walong istorya lamang, alin ang mga ito? Pinili namin ang mga sumusunod, kasama ang mga dahilan.
Lumang Tipan
- Genesis 3:1-15
- Genesis 16:2-10
- Exodus 9:13-28
- Exodus 12:29-33
Bagong Tipan
- Marcos 2:1-12
- Juan 11:32-44
- Lucas 23: 32-47
- Lucas 24:36-51
Panimula
Kailangan ng bawat istorya ang introduksyon. Kasama dito ang:
- Konteksto – tunay na panahon, tunay na lugar, at tunay na tao. Halimbawa – “Si Abraham ay isang lalaking nabuhay 4000 taon na ang nakalipas sa isang lugar na ang tawag ay Babilonya. Sa ngayon, ito ang bansang Iraq.”
- Ipaliwanag ang natatanging mga salita katulad ng ‘Pariseo,’ ‘Pangilin,’ ‘Sinagoga’
- Itugma ito sa mga nakaraang istorya. Ang isang paraan ko ay ang pagsasabing, “Si Adam ay nagkaroon ng mga anak, ang kanilang anak ay nagkaanak din at maraming salinlahi ang lumipas. Isang araw, pagkatapos ng 4000 taon, may lalaking ang pangalan ay Abraham…”
- Minsan, gumamit ng pagtatanong upang mahimok silang pakinggan ang kwento. Halimbawa, “Bakit maraming pasakit at hirap sa mundo?”
Panoorin itong video (English only) tungkol sa paghahanda ng mga panimula. Ipapakita rin nito kung paano ang pagkakaiba ng iyong introduksyon at ng aktwal na kwento.
Bagong Tipan
Sinimulan namin ang aming paggawa ng desisyon sa mga kwento sa Bagong Tipan dahil alam naming ang dalawang huli ay mahalaga.
- Ang Pagkapako sa Krus (Lucas 23:32-47)
- Ang Pagkabuhay na Muli (Lukas 24:36-51)
Pagkatapos, kinailangan naming kumuha ng dalawa pa mula sa anim na pagpipilian (Pasko + limang kwento ng himala)
Sa huli’y pinili namin ang:
- Marcos 2:1-12 (kapangyarihang magpagaling at magpatawad ng kasalanan)
- Juan 11: 32-44 (nabuhay si Lazarus mula sa mga patay, kapangyarihan mula sa kamatayan, at sino ang taong ito?)
Kamakailan lang, nakapagdagdag kami sa kwento ng Pasko. Mayroong tatlong pangunahing bahagi ang kwentong ito at napili namin ang Lucas 2:6-18.
Lumang Tipan
Nakita naming mas mahirap ang pumili ng apat na kwento sa Lumang Tipan. Sa huli’y napagkasunduan namin ang:
- Ang Pagsuway (Genesis 3:1-15), pwede nating paikliin ang kwento ng ‘Paglikha’ bilang panimula
- Si Abraham at si Hagar (Genesis 16:2-10, na ang panimula ay pagpapala mula sa Genesis 12:1-7). Maaaring mahirap makita ang dahilan kung bakit namin pinili ang kwentong ito subalit mas marami ang nakakabagay dito sa dahilang para itong ‘soap opera’ at nakita naming nakinig talaga ang mga tao pagtapos ng kwentong ito. Mahalaga rin ito sapagkat nagtangka sina Abraham at Sarah na magkaroon ng pagpapala sa sarili nilang pagsisikap at hindi naghintay sa panahong itinakda ng Diyos.
Naging madali rin sa aming sabihing, “Ang kwentong ito ay maraming bahagi. Narito ang babasahin para mabasa pa ninyo ang tungkol kay Abraham.” (O pwede mong lagyan ng pananda ang Genesis 12-24 sa Bibliya o magbigay ng photocopy nito).
May dalawang dahilan kung bakit di namin pinili ang kwento ng ‘paghahandog kay Isaac’ (Genesis 22:1-19). Una, kakailanganin nito ang mahabang panimula. Kung ito lang ang ilalahad, lalabas na super hero si Abraham sa kanyang pagtitiwala sa Diyos gayong nagkaroon siya ng tatlong malalaking mga pagkakamali (Genesis 12 + 16 + pagdududang magkakaanak si Sarah at pagtatawa nang maisip ito). May ilan din kaming napagkwentuhan na labis na nagulat sa dito (anong lupit na Diyos ang hihinging ihandog ni Abraham ang kanyang anak) at tumigil na sila sa pakikinig.
- Ang Salot ng Pag-ulan ng Yelo (Exodus 9:13-28). Ito ang kwentong ‘may dalawang paraan para mabuhay’ dahil pwedeng maiwasan ng tao ang salot, sa katunayan ay ginawa nga ng ibang Egipcio. Hindi ito masyadong kumplikado kumpara sa istorya ni Noah.
Mahirap kabisahin ang mula sa verse 13-16 dahil paulit-ulit man ito, bahagyang magkakaiba naman ang bawat pag-uulit. Ipinapakita ng video (English only) na ito kung paano namin sinimulang pagsanayan ang mga mahahalagang verse na ito.
Kapag nahihirapang kabisahin ng iyong mga sinasanay ang verses 13-16, maaari mo namang paikliin at ilagay na lamang sa iyong panimula. Sa gayon, ang kwento ay matutunan mula sa verse 16 o 17 hanggang verse 28.
- Ang Paglampas ng Anghel (Exodus 12:29-33) ay madaling matandaan dahil sa tradisyon ng mga Chinese na pulang dekorasyon sa hamba ng pinto. Itinuturing din sa Bibliya na ito ang istorya ng ‘pagliligtas’ sa Lumang Tipan at may ilan itong kaugnayan sa kamatayan ni Jesus bilang Tupang Handog sa Pista ng Paglampas ng Anghel.
Susubukan natin ito at titingnan kung paano. Panoorin ang mga kwentong ito sa mga video sa ‘Bible Overview Set’. Ang iba dito ay pinaikli dahil sa aming pagsasadula.