Tuturuan sila ng bata

Mga ilang taon ng sinusubukan ng ina ni Grace ang pagbabahagi ng mga kwento ng Bibliya. Nagdesisyon ang siyam na taong gulang na si Grace na subukang magkwento ng tungkol sa Paglikha sa ilan niyang mga kaibigan sa eskwelahan. Pagkatapos ihanda ang sarili, tinanong niya ang mga kaibigan. Hindi ang sagot ng ilan, pero tatlong batang babae – dalawang Hindu at isang Muslim ang pinagmulan – ang nagkasundong pakinggan ang isa niyang kwento sa oras ng kanilang tanghalian.

Natuwa si Grace na hindi dito natapos ang lahat sapagkat gusto pa nilang pakinggan ang iba pa. Tinulungan siya ng kanyang ina na gumamit ng komiks para matandaan niya ang pangunahing mga bahagi ng bawat ikukwento niya. Sa ngayon, limang kwento na ang naibahagi ni Grace.

Lumakas ang loob ni Grace dahil sa tugon ng kanyang mga kaibigan. Iginuhit niya ang kanyang sarili na nakaupo kasama ang isang grupo. Isinulat niya sa larawan, “Tinutulungan ako ng Diyos na magturo sa aking mga kaibigan tungkol sa Kanya” at “Ang Diyos ay gumagawa hanggang ngayon.”

Nililimitahan ba natin kung sino ang maaaring magkwento? Hindi ba maaring maging bagong iglesia ang grupo ng mga batang ito? Kung kaya ito ni Grace sa pamamagitan ng Diyos, kaya ba rin natin? Saan mo maaaring gawin ang pagkukwento?

Nang taong 2014, sinimulan ulit ni Grace ang grupo at nagkaroon ito ng siyam na mag-aaral!

china-original           taiwan

Save

Save

You may also like...

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *