Hindi ka ba natatakot sa katapusan ng mundo?

Noong nakaraang Disyembre, habang nakikipagkuwentuhan ako kila Mister and Misis Dela Cruz sa gilid ng kalsada, bigla akong tinanong ni Mister Dela Cruz, “Hindi ka ba natatakot?”

“Natatakot saan?”

“Sa katapusan ng mundo ngayong Biyernes?”

Marami nang narinig na mga kuwento mula sa Biblia ang mag-asawa ngunit natatakot silang maging tagasunod ni Jesus dahil sa pangamba na magalit sa kanila ang kanilang mga magulang.

“Sinabi ni Jesus na walang nakakaalam kung kalian matatapos ang mundo, kaya alam ko na hindi iyon sa Biyernes, Disyembre 21. Pero dahil hindi natin alam kung kailan babalik na muli si Jesus, maaring bumalik Siya uli bukas na o sa susunod na linggo o sa isandaang taon. Handa na ba kayo sa muling pagbabalik Niya kung mangyayari iyon ngayon din?”

“Ano ang gagamitin nating arko?” tanong ni Mister Dela Cruz.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Noong huling katapusan ng mundo, naghanda ng arko ang Diyos para kila Noah upang makaligtas sila sa malaking baha.”

“Ano sa tingin ninyo ang arko natin ngayon?”

Sagot ni Misis Dela Cruz, “Kailangan nating magtiwala kay Jesus at saka tayo’y magiging laging ligtas.”

     

Save

Save

You may also like...

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *