Paghahanda ng iyong unang kwento sa Biblia
Ang pagbabahagi ng kwento sa Bibliya ay isang kasanayan na hindi kinalakhan ng marami sa atin. Mahirap itong gawin sa simula pero padali naman ng padali habang maraming kwento ang iyong natututunan. Narito ang simpleng paraan ng pagkukwento.
Aralin ang kwento
-
Pumili ng kwento na nasa 5-15 verses. Magandang magsimula sa unang pangkat ng mga kwento (Genesis 3:1-15).
-
Basahin ang buong istorya nang malakas, mabagal at malinaw. Makatutulong ang paggamit ng napapanahong salin ng Bibliya. Bakit ‘nang malakas?’ Sapagkat maririnig mo ang kwento at mabibigyan mo ito ng higit na atensyon.
-
Isara ang Bibliya o takpan ang pahina at isalaysay nang malakas ang kwento. Ikwento nang maayos hanggang sa iyong makakaya. Sa una, maraming mali at hindi kumpleto ang detalye; pero huwag kang mag-alala. Ang mga ito ang siguradong pag-uukulan mo ng pansin kapag inulit mo ang pagbasa.
- Basahin muli nang malakas at pagkatapos ay isalaysay muli nang malakas ang kwento. Ulitin ng ulitin hanggang sa maisalaysay ito ng maayos. Kadalasan, inuulit ko ito ng mga tatlong beses o higit pa.
Ihanda ang Panimula
Kapag nakabisa mo na ang kwento, tanungin ang sarili, “Anong kaalaman ang kailangan ng makikinig upang maintindihan nila ang kwento?”
Kabilang sa mga ito ay
-
Makatotohanang panahon, makatotohanang tauhan, makatotohanang lugar – ilahad ang kwento kaugnay ng konteksto.. Halimbawa: “Si Abraham ay isang lalaking nabuhay noong nakalipas na 4000 taon sa isang lugar na tinatawag na Babilonya na nasa isang lugar ng ngayon ay tinatawag nating Iraq.
-
Bigyang-kahulugan ang mga bagong salitang nasa kwento. Halimbawa, ‘Pangilin’, ‘Pariseo’, ‘templo’, o ‘sinagoga’.
-
Kakailanganin mo ring ipaliwanag ang bahagi ng kultura katulad ng kaugalian sa pag-aasawa o kabuhayan (katulad ng ‘maniningil ng buwis’ at bakit sila’y kinamumuhian.
-
Kakailanganin mo ring iugnay ang kwento sa mga naunang pangyayari. Kadalasan, ginagamit ko ang katagang ito, “At nagkaroon ng mga anak si Adam, at ang mga anak niya’y nagkaanak din at maraming salinlahi ang lumipas… isang inapo ang lalaking nagngangalang Abraham.
-
Maaari ka ring magtanong upang mapaisip sila at naising pakinggan ang iyong kwento. Halimbawa, madalas kong itinatanong, “Tingnan natin ang mundo sa ating paligid, ang ganda, nagtaka ba kayo minsan kung saan ito nagmula?” At pagkatapos, “Ang ganda ng ating mundo subalit marami namang pasakit at paghihirap, nagtaka ba kayo minsan kung bakit? Ano ang inyong palagay dito?” Pagkatapos makinig sa kanila, sasabihin kong, ‘Meron akong kwento na sasagot sa mga tanong na ito.”
Paglalahad ng kwento
Mahalagang ipakita ang pagkakaiba ng iyong panimula sa aktwal na kwento. Maaari itong gawin sa ilang pamamaraan.
-
Maaari mong sabihin, “Magbibigay muna ako ng ilang impormasyon bilang panimula ng kwento (Ilahad ang introduksyon).” Kapag magkukwento na, “Ito ang istorya para sa araw na ito (at isalaysay ang kwento).” Sa dulo, sabihin, “At ito ang katapusan ng kwento.”
-
Ang iba ay gumagamit ng kilos bilang hudyat ng paglipat sa bahagi ng kwento. Halimbawa, binubuksan ang pahina ng Bibliya mula sa paglalahad ng panimula hanggang sa aktuwal na pagkukwento, nakabukas sa mesa o patungan, at pagkatapos ay isasara kapag tapos na ang kwento.
-
Ginagamit naman ng iba ang kanilang kamay.
Piliin ang paraan na angkop sa konteksto.
Tingnan ang iba pang training posts na makatutulong sa iyong lakbayin ng pagkukuwento.