Masyadong abala para pumunta sa simbahan

Ito ang aking unang karanasan sa pagbabahagi ng kwento ng Paglikha noong 2004.

Sa una kong pagsubok, pinili ko ang isang abalang photo developing shop – desisyon na hindi maganda, sa ngayon na nagbabalik-tanaw ako. Hindi naging maayos ang kinalabasan ng aking pagkukwento. Palaging natitigil ang aking pagkukwento dahil sa maya’t-mayang pagdating ng mga kustomer. Pero namangha ako sa pagtanggap ng tagapakinig. Naibigan nya ang istorya at gusto nya pa makapakinig ng iba pang kwento. Ang nangyari’y hindi na ako nagangapa kung paano ko sisimulan ang usapan tungkol sa ebanghelyo. Sa halip, sila na ang humihiling na magkwento pa ako ng tungkol sa Bibliya. At doon nagsimula ang aking mga karanasan sa pagkukuwento.

Nang makilala ko ang babae sa shop na iyon, madali ko siyang naenganyong makinig sa kwento. Ang mga sumunod na pagpunta ko ay madali dahil itinatanong niya kung ano ang kasunod na kwento. Kung hindi naman nila itanong, pwede nating sabihin, “Maaari ko bang sabihin ang susunod na kwento?” Mas madali ito kesa maglaan ng maraming panahon para manalanging maging natural ang pagbubukas ng usapan.

(CD, halaw sa “Paglalahad ng ebanghelyo sa pamamagitan kuwento”/”Telling the gospel through story”)

Noong Nobyembre 2012, nagkita ulit kami ng babae sa tabi ng isang kalye. Namangha ako na natatandaan pa niya ang mga kwento pagkalipas ng siyam na taon at madalas daw niyang naaalaala ang mga ito. Base sa aming pag-uusap, walang dudang nagsimula na ang babae na maging tagasunod ni Jesus na nakilala niya sa pamamagitan ng mga kwento.

You may also like...

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *