Ang dalawang taga-gupit ng buhok
Isang beses lang sa loob ng tatlong buwan kami nag-uusap ng taga-gupit ko ng buhok. Umabot sa mahigit dalawang taon bago namin natapos ang anim na seksyon sa Lumang Testamento at walong seksyon sa Bagong Testamento. Ang mabagal na hakbang na ito ay higit na nakabuti sa kanya upang namnamin niya ang mga kuwento. Wala siyang problema sa pag-alala sa mga ito at isang minuto lang ang kailangan niya para sa sumunod na yugto. Mabuti ito sa ilang mga rason, bukod sa maalala niya ang mga kuwento hindi ko na rin kailangang maghanap ng paraan para maibahagi ko sa kanya ang ebanghelyo. Pag naka-upo na ako, hudyat na rin ito na magsisimula na kami sa susunod na kabanata ng kuwento.
Masmadali maalala ang mga kuwento kaysa mga abstraktong konsepto. Madalas kong naalala ang isang tao kahit ilang oras na natapos ang pag-uusap namin. Malaking tulong ito sa ating mga relasyon sa mga kapwa tulad ng taga-gupit ng buhok at tagabantay ng tindahan na minsan lang nating makasalamuha.
Isa pang taga-gupit ng buhok ang naging Kristiyano. Nagtataka siya kung paano siya gagamitin ng Panginoon para ibahagi ang kanyang kuwento. May isa siyang kakayahan – ang pag-gupit ng buhok at sapat na salapi upang makapag-renta ng isang silid. Tuwing siya ay nag-gugupit ng buhok ay ibinabahagi niya ang “libreng kuwento” bilang isang regalo. Maraming tao ang tumanggap sa naibahaging bonus. Sa paglipas ng panahon ay nakita niya na maraming tao ang tumatanggap sa pinakamahalagang regalo sa lahat.