Paggamit ng mga kuwento sa pagsisimula ng bagong simbahan
“Puntahan at kuwentuhan mo tungkol sa Bible ‘yung lalaking panadero diyan sa bakery. Mahilig siyang makipagkuwentuhan,” mungkahi ng misis ko sa akin.
Makalipas ang ilang buwan ngunit hindi ko ito nagawa.
Nagsimula ako na isama ang apat na estudyante sa aming bayan kada linggo upang makapag-ensayo ng pagbabahagi ng Bible stories. Naalala ko ang sinabi sa akin ng aking asawa at isinama ko si Jazz, na isang estudyante, upang bumisita sa bakery.
Tama nga ang aking asawa. Masayang nakipagkuwentuhan sa amin ang lalaking may-ari ng bakery at nakinig sa mga Bible stories. Doon nagsimula ang lingguhang pagbisita namin sa bakery.
Maliwanag na kumikilos na ang Diyos sa buhay ng panadero bago pa man namin siya binisita. Naging kaibigan niya ang isang misyonero sa kanilang lugar sa loob ng ilang taon. Ngunit kinailangan nang bumalik ng pamilya ng misyonero sa Amerika, pero bago sila umalis, tinulungan nila kami na maging mabuting kaibigan sa pamilya ng panadero. Naging unang kaibigan ng dalawang anak na lalaki ng panadero ang mga anak ng isa pang pamilya ng misyonero. Nagsimula din silang regular na sumasama sa center.
Makalipas ang ilang linggo, nagsabi ang mga anak ng panadero na gusto nilang sumama sa simbahan. Pagkatapos mapag-usapan ito ng aming grupo, iminungkahi namin sa kanila na ako o ang isa ko pang teammate ang makikipagkita sa kanila kasama ng kanilang pamilya sa bakery tuwing Linggo ng umaga upang magsimba kasama pa ang dalawang anak na nakatatanda at ilang estudyante.
Sa loob ng nakaraang tatlong buwan, nakikipagkita kami sa kanila sa bakery at pinapag-aralan ang pangkalahatang-ideya (overview) ng Bible na halos kakatapos lang namin gawin. Nakikita namin na talagang kumilos ang Diyos sa buhay ng pamilyang ito. Nagsimula na silang magbasa ng Bible sa sarili nila at naging bukas din sila na magsimula ng English classes sa kanilang bakery upang makarinig din ang iba ng mabuting balita ni Jesus. Gusto rin nila na may iba pang kabataan na sumama samamin tuwing Linggo ng umaga.
Lubos kaming natutuwa sa kung paano kumikilos ang sa Diyos sa pamilyang ito at kung ano pa ang Kanyang gagawin sa pamamagitan nila.
Church planting tip – napansin mo ba kung ano ang ginawa ng misyonero noong nagsabi ang mga anak na lalaki na gusto nilang sumamasa simbahan? Kaysa ilayo sila sa kanilang pamilya, gumawa ang grupo ng paraan upang maisama ang buong pamilya sa simbahan para silang lahat ay maligtas.